TRGPH CLAN RULES
1. Commitment & Clan Points
Ang pagsali sa TRGPH ay may kasamang responsibilidad. May target tayong 8,000,000 Clan Points, kaya inaasahan namin ang aktibong participation ng bawat member.
Huwag kang mag-alala kung mukhang malaki ang target, kayang kaya ito basta nagpaparticipate sa internal events at nag ga-grind sa CW.
Maglaro at makibahagi dahil bawat Clan Point ay mahalaga!
2. Be Part of the Family
Kapag sumali ka sa TRGPH, hindi ka lang basta member, parte ka na ng pamilya.
Inaasahan namin ang respeto, pakikisama, at pagiging supportive sa bawat isa. Tulungan natin ang isa't isa sa mga events at iba pang clan activities.
Walang iwanan. Walang kanya-kanya. Team TRGPH tayo.
🚫 Mahigpit na ipinagbabawal ang pagiging SPY.
Sumali ka sa TRGPH para makipaglaro, makipagkaibigan, at maging bahagi ng team. Hindi para kumuha, manira o maglabas ng impormasyon tungkol sa clan.
Trust is earned. Loyalty matters.
JOIN TRGPH WITH COMMITMENT
Kung handa kang maglaro, tumulong, makisama, at maging loyal sa clan, welcome ka sa TRGPH.
Hindi lang kami naghahanap ng malakas na player, naghahanap kami ng player na marunong makisama at sumunod sa CM.
Alex | TRG_Auditor — TRGPH